Noong Mayo 12, 2015, nagdesisyon ang Gwangju District Court na hindi nagkasala ng draft evasion (sinasadyang pag-iwas na magsundalo) ang tatlong Saksi ni Jehova. Sa kanilang desisyon, sinabi ni Senior Judge Choi, Chang-seok: “Mahalaga na ang kalayaan ng budhi sa ilalim ng Konstitusyon at ang tungkuling ipagtanggol ang bansa ay bigyang-kahulugan sa timbang na paraan.” Sinabi pa niya: “Kapag ang saligang karapatan ay salungat sa iba pang interes ng Konstitusyon gaya ng tungkulin ng mamamayan, angkop lang na bigyang-kahulugan ang batas sa paraang parehong maisasakatuparan ang dalawang interes hangga’t posible.” Inaasahan ng mga Saksi na iaapela ng prosecutor ang naging desisyon sa loob ng pitong araw.