Ipinagpatuloy ng Supreme Court ng Russian Federation sa ikatlong araw ang pagdinig sa kasong ipagbawal ang mga Saksi ni Jehova sa Russia. Kabilang sa mga tumestigo ang dalawang direktor ng Administrative Center, na nagharap ng pagtutol sa kasong isinampa ng Ministry of Justice laban sa mga Saksi ni Jehova.

Tinutulan ni Sergey Cherepanov ang utos ng Ministry na ihinto ng Administrative Center ang mga paglabag sa batas tungkol sa ekstremismo. Pero hindi kailanman nilinaw ng Ministry kung paano nilalabag ng Administrative Center ang batas o kung paano nito ihihinto ang mga paglabag. Sinabi ng isa pang direktor, si Vasiliy Kalin, na ang Administrative Center ay 26 na taon nang aktibo, at saka siya nagtanong: “Kailan kami nagsimulang maging ekstremista?” Sinabi niya na hindi nagbabago ang mga Saksi ni Jehova—masunurin sila sa mga awtoridad at laging sumusunod sa mga simulain ng kapayapaan. Sinabi rin niya na nag-aalala siyang nagsimula na ang pag-uusig sa mga Saksi.

Itinakda ng judge na ipagpatuloy ang pagdinig sa Abril 12, 2017, alas-10 ng umaga.