Noong Setyembre 25, 2017, nagpadala ng report ang 15 sa 19 na mga tagapangasiwa ng sirkito sa Puerto Rico at iniulat na isang kapatid lang ang nasugatan dahil sa Bagyong Maria. Hinihintay pa namin ang report mula sa apat na tagapangasiwa ng sirkito sa kanlurang bahagi ng isla, dahil hindi posible ang pakikipagtalastasan doon. Ang mga brother sa kalapit na mga sirkito ay gumagamit ng mga motorsiklo at all-terrain na sasakyan para malaman ang kalagayan sa kanlurang bahagi ng isla.

Patuloy nating ipanalangin ang ating mahal na mga kapatid.—Santiago 5:16.

Media Contact:

David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000