Libo-libo ang napilitang lumikas dahil sa dalawang malalakas na bagyo, ang Kai-tak (Urduja sa Pilipinas) at Tembin (Vinta sa Pilipinas), na nagdulot ng mga pagbaha at pagragasa ng putik sa Pilipinas noong mga huling araw ng Disyembre.

Dahil sa mga bagyo, dalawang Kingdom Hall at anim na bahay ng mga Saksi ni Jehova ang napinsala, at 281 pamilya ang kinailangang lumikas. Nakalulungkot na sa Lanao del Norte, isang 24-anyos na sister ang nalunod at namatay sa baha.

Nagpadala na ng relief goods ang mga Saksi sa mga lugar na naapektuhan. Naghahanda ngayon ang mga kinatawan ng tanggapang pansangay ng Pilipinas para tingnan kung ano pa ang kailangan ng mga kapatid at para makapagbigay ng espirituwal at emosyonal na pampatibay.

Nakikisimpatiya kami sa mga nasalanta at namatayan. Nagtitiwala kami na patuloy na magbibigay si Jehova ng kaaliwan at praktikal na tulong sa pamamagitan ng kaniyang espiritu at organisasyon habang patuloy silang tinutulungang makabangon.—Awit 9:9; Isaias 51:12.

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000

Philippines: Dean Jacek, +63-2-224-4444