Tagalog
Bagong Sanlibutang Salin—Ini-release sa Apat na Wika
/assets/ct/08c9985de2/images/syn_placeholder_sqr.png

SETYEMBRE 17, 2018
ANO’NG BAGO?

Bagong Sanlibutang Salin—Ini-release sa Apat na Wika

Bagong Sanlibutang Salin—Ini-release sa Apat na Wika

Noong Setyembre 14, 2018, ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ay ini-release sa wikang Kikamba sa Machakos, Kenya, at sa wikang Nyaneka sa Lubango, Angola. Nang araw ding iyon, ini-release ang kumpletong Bagong Sanlibutang Salin sa wikang Kikuyu sa Kiambu, Kenya. Makalipas ang dalawang araw, ang nirebisang edisyon ng Bagong Sanlibutang Salin ay ini-release sa wikang Iloko sa Manila, Pilipinas. Ang Bagong Sanlibutang Salin ay naisalin na sa kumpletong edisyon o bahagi nito sa 172 wika, kasama na ang 15 kumpletong rebisyon batay sa Edisyon ng 2013.