ENERO 14, 2019
ANO’NG BAGO?
Inilabas ang Bagong Sanlibutang Salin sa Limang Wika
Noong Enero 12, 2019, sa Benin City, Nigeria, ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan ay inilabas sa wikang Isoko at ang nirebisang edisyon ng Bagong Sanlibutang Salin ay inilabas sa wikang Yoruba. Nang araw ding iyon, sa Dudley, West Midlands, England, ang aklat ng Mateo mula sa Bagong Sanlibutang Salin ay inilabas sa British Sign Language.
Ang Bagong Sanlibutang Salin ay inilabas din sa dalawang wika sa Pilipinas. Ang nirebisang edisyon sa Cebuano ay inilabas noong Enero 12, 2019 sa Lapu-Lapu City, Cebu. Nang sumunod na araw, sa Palo, Leyte, ang Bagong Sanlibutang Salin ay inilabas sa Waray-Waray. Ang buong Bagong Sanlibutang Salin o bahagi nito ay naisalin na sa 179 na wika, kasama na ang 18 kumpletong rebisyon batay sa 2013 na edisyon.

