AGOSTO 27, 2018
ANO’NG BAGO?
Bagong Sanlibutang Salin Inilabas sa Kiluba, Ndebele (Zimbabwe), at Swahili (Congo)
Ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ay inilabas sa Ndebele (Zimbabwe) noong Agosto 24, 2018, sa Bulawayo, Zimbabwe. Noong araw ring iyon, sa Lubumbashi, Democratic Republic of Congo, ang kumpletong Bagong Sanlibutang Salin ay inilabas sa Kiluba at sa Swahili (Congo). Ang kabuoan o bahagi ng Bagong Sanlibutang Salin ay naisalin na sa 169 wika.

