SETYEMBRE 9, 2019
ANO’NG BAGO?
Inilabas ang Bagong Sanlibutang Salin sa Anim na Wika
Noong Setyembre 6, 2019, sa Johannesburg, South Africa, inilabas ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa wikang Venda, pati na ang nirebisang edisyon ng Bagong Sanlibutang Salin sa mga wikang Afrikaans at Xhosa. Nang sumunod na araw, inilabas ang nirebisang Bagong Sanlibutang Salin sa mga wikang Czech at Slovak sa Ostrava, Czech Republic. Inilabas din ang Bagong Sanlibutang Salin sa wikang Turkmen.
Ang buo o ilang bahagi ng Bagong Sanlibutang Salin ay naisalin na sa 184 na wika, kasama na ang 29 na kumpletong rebisyon na batay sa 2013 edisyon.

