AGOSTO 19, 2019
ANO’NG BAGO?
Bagong Sanlibutang Salin—Inilabas sa Guarani, Kwanyama, at Laotian
Ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan ay inilabas sa wikang Guarani noong Agosto 16, 2019, sa Asunción, Paraguay. Nang araw ding iyon, inilabas ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa wikang Kwanyama sa Ongwediva, Namibia, at sa wikang Laotian sa Nong Khai, Thailand. Ang kabuoan o bahagi ng Bagong Sanlibutang Salin ay naisalin na sa 184 na wika.

