ENERO 1, 2024
ANO’NG BAGO?
Available Na Online ang mga Aklat ng Tito at Filemon (Edisyon sa Pag-aaral) sa Wikang Tagalog
Available na sa jw.org at JW Library ang mga aklat ng Tito at Filemon sa Edisyon sa Pag-aaral ng Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan. Meron itong mahigit sa 150 study note at bagong mga larawan sa Media Gallery. May mga idinagdag din sa Glosari tungkol sa Dead Sea Scroll at iba pang mahahalagang manuskrito ng Bibliya, gaya ng Codex Alexandrinus, Codex Sinaiticus, at Codex Vaticanus.

