DISYEMBRE 16, 2022
ANO’NG BAGO?
Available Na Online ang mga Aklat ng Galacia at Efeso (Edisyon sa Pag-aaral) sa Wikang Tagalog
Available na sa jw.org ang mga aklat ng Galacia at Efeso sa Edisyon sa Pag-aaral ng Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan. Meron itong mahigit sa 340 study note, isang video, at mga larawan sa Media Gallery. May mga bagong reperensiya rin tungkol sa paggamit ng pangalan ng Diyos sa Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Apendise C2, C3, at C4.

