Accessibility setting

Pumunta sa main menu

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

LUMABAS SA

Kawikaan 17:1-28

17  Mas mabuti ang tuyong piraso ng tinapay na may katahimikan+ kaysa sa bahay na punô ng mga hain ng pag-aaway.+ 2  Ang lingkod na nagpapakita ng kaunawaan ang mamamahala sa anak na gumagawi nang kahiya-hiya,+ at kasama ng magkakapatid ay magkakaroon siya ng bahagi sa mana.+ 3  Ang dalisayang kaldero ay para sa pilak at ang hurno ay para sa ginto,+ ngunit si Jehova ang tagasuri ng mga puso.+ 4  Ang manggagawa ng kasamaan ay nagbibigay-pansin sa mapanakit na labi.+ Ang bulaan ay nakikinig sa dila na nagdudulot ng mga kapighatian.+ 5  Siyang umaalipusta sa dukha ay dumudusta sa kaniyang Maylikha.+ Siyang nagagalak sa kasakunaan ng iba ay hindi magiging ligtas sa kaparusahan.+ 6  Ang korona ng matatanda ay ang mga apo,+ at ang kagandahan ng mga anak na lalaki ay ang kanilang mga ama.+ 7  Sa sinumang hangal ay hindi nararapat ang labi ng katuwiran.+ Gaano pa kaya ang labi ng kabulaanan sa taong mahal!+ 8  Ang kaloob ay batong nagtatamo ng lingap sa mga mata ng dakilang may-ari nito.+ Saanman siya bumaling ay nagtatagumpay siya.+ 9  Ang nagtatakip ng pagsalansang ay naghahangad ng pag-ibig,+ at siyang salita nang salita tungkol sa isang bagay ay naghihiwalay niyaong malalapít sa isa’t isa.+ 10  Ang pagsaway ay tumatagos nang mas malalim sa isa na may unawa+ kaysa sa pananakit sa hangal nang isang daang ulit.+ 11  Paghihimagsik lamang ang laging hinahangad ng masama,+ at malupit ang mensahero na isinusugo laban sa kaniya.+ 12  Masalubong na ng tao ang oso na nawalan ng mga anak+ nito kaysa ang sinumang hangal sa kaniyang kamangmangan.+ 13  Kung tungkol sa sinumang gumaganti ng kasamaan kapalit ng kabutihan,+ ang kasamaan ay hindi hihiwalay sa kaniyang bahay.+ 14  Ang pasimula ng pagtatalo ay gaya ng isang nagpapakawala ng tubig;+ kaya bago sumiklab ang away, umalis ka na.+ 15  Ang sinumang nag-aaring matuwid sa balakyot+ at ang sinumang nag-aaring balakyot sa matuwid+—kapuwa sila karima-rimarim kay Jehova.+ 16  Bakit nga ba nasa kamay ng hangal ang halagang pambili ng karunungan,+ gayong wala naman siyang puso?+ 17  Ang tunay na kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon,+ at isang kapatid na ipinanganganak kapag may kabagabagan.+ 18  Ang taong kapos ang puso ay nakikipagkamay,+ na lubusang nananagot sa harap ng kaniyang kapuwa.+ 19  Ang sinumang umiibig sa pagsalansang ay umiibig sa pagtatalo.+ Ang sinumang nagpapataas ng kaniyang pasukang-daan ay naghahanap ng pagbagsak.+ 20  Siyang may likong puso ay hindi makasusumpong ng mabuti,+ at siyang may pilipit na dila ay mahuhulog sa kapahamakan.+ 21  Ang ama na nagkaanak ng batang hangal—ito ay kapighatian sa kaniya;+ at ang ama ng batang mangmang ay hindi nagsasaya.+ 22  Ang masayang puso ay nakabubuti bilang pampagaling,+ ngunit ang bagbag na espiritu ay tumutuyo ng mga buto.+ 23  Ang balakyot ay tumatanggap ng suhol mula sa dibdib+ upang baluktutin ang mga landas ng kahatulan.+ 24  Ang karunungan ay nasa harap ng mukha ng may-unawa,+ ngunit ang mga mata ng hangal ay nasa dulo ng lupa.+ 25  Ang anak na hangal ay kaligaligan sa kaniyang ama+ at kapaitan sa nanganak sa kaniya.+ 26  Karagdagan pa, ang pagpapataw ng multa sa matuwid ay hindi mabuti.+ Ang pananakit sa mga taong mahal ay labag sa kung ano ang matuwid.+ 27  Ang sinumang nagpipigil ng kaniyang mga pananalita ay nagtataglay ng kaalaman,+ at ang taong may kaunawaan ay malamig ang espiritu.+ 28  Kahit ang mangmang, kapag nanatiling tahimik, ay ituturing na marunong;+ ang sinumang nagtitikom ng kaniyang mga labi, bilang may unawa.

Talababa